Kaawa awa naman ang kinahinatnan at sinapit ng isang Canadian National na pumunta lamang dito upang magbakasyon sa boracay nguni...
Kaawa awa naman ang kinahinatnan at sinapit ng isang Canadian National na pumunta lamang dito upang magbakasyon sa boracay ngunit naabutan ng lockdown sa isla. At ngayon ang nakaratay na lamang sya sa ospital dahil sa kanyang sakit.
Kwento ni Renan Delfin Hilario ay palagi daw nagbabakasyon sa boracay ang naturang Canadian, hanggang sa naabutan na lamang ito ng lockdown sa Boracay. At ang mas malala pa dito ay kinuha daw ang kanyang ATM at cellphone kaya hindi na alam ng Canadian kung saan sya kukuha ng pang gastos gayong nasa ospital pa sya at may sakit sa atay.
Narito ang kabuuang Facebook post ni Renan Delfin Hilario :
"Hello po sana po may nka kilala po sa kanya siya po si Kevin Lench Canadian po sya nag babakasyon po parati sya dto sa boracay sya po ay na abutan na nang lock down at hindi na sya nka uwi hangang ngayon. Kinuha raw ang kanyang mga Atm at cellphone sana po matulongan nyo po sya wala po sya pamilya dto nag ka sakit po sya sa liver at sa ngayon po ay nasa hospital po sya sana po matulongan po natin sya"