Mahigit sa nasa 3 toneladang patatas na nagkakahalaga umano ng mahigit na nasa 100,000 ang nasayang lamang at hindi na naibenta ng m...
Mahigit sa nasa 3 toneladang patatas na nagkakahalaga umano ng mahigit na nasa 100,000 ang nasayang lamang at hindi na naibenta ng mga magsasaka sa Benguet. Dahil sa matagal na pamamalagi at pagka ipit sa mga kalsadang nagkaroon at apektado ng landslide nitong mga nakaraang araw na sunod sunod ang pag ulan ng malalakas.
Ayon sa nag post ng mga litrato na si Chris Polig, ay sa halip na 4 na oras lamang ang orihinal na byahe na dapat nilang magugol sa pag dedeliver ng mga patatas, ay inabot sila ng 5 araw sa pagbabyahe ng mga gulay mag mula sa Bakun hanggang sa makarating sila sa trading post sa La Trinidad, Benguet dahil sa mga kalsadang naapektuhan ng landslide .
Dahil sa matagal na byahe ng mga gulay mula sa orihinal na oras dapat nito, pagka dating tuloy sa trading post ng mga patatas ay sira sira na at hindi na pwede pang maibenta. Kaya naman ay itinapon na lamang ito at ang iba na mapapakinabangan pa naman ay ipina migay na lamang sa mga tao.