Dito sa siyudad, karaniwang hindi natin pinoproblema ang ating maiinom. Meron tayong iba't ibang supply ng tubig , pwedeng n...
Dito sa siyudad, karaniwang hindi natin pinoproblema ang ating maiinom. Meron tayong iba't ibang supply ng tubig , pwedeng nawasa, tubig balon, poso at marami pang iba. Hindi rin natin sakit sa ulo ang tubig na maiinom, dahil meron namang mineral na sa halagang bente singko pesos ay may isang galon kana.
Pero sa kalagayan, ng isang 75- anyos na si lola Matilde sa Sitio Calibasan, Brgy. Captain Claudio sa Toledo City, ay kailangan nyang maglakad paakyat sa bundok, ng mahigat dalawa o tatlong oras makaigib lamang ng tubig na kaniyang maiinom sa araw araw. Sa kadahilanang wala pang matinong irigasyon ng tubig sa nasabing lugar.
""Palagi akong nadudulas diyan sa daanan. Humahawak talaga ako nang mahigpit dahil nadadala ako ng aking karga na galon. Gumulong talaga ako diyan, napagulong ako”" sabi ni lola Matilde.
At may mga pagkakataong din na sa tuwing nahihirapan na syang, dalhin ang mga galon ng tubig ay nakakaramdam, si lola Matilde ng hilo galing sa init at uhaw.
"'Nakakapagod. Kailangan kumilos. Tiisin lang,”" - lola Matilde.
Samakatuwid, dahil wala pang maayos na daloy ng tubig sa kanilang lugar ay tubig na galing sa ulan ang kanilang ginagamit araw araw sa kanilang mga tahanan. At dahil sa tulong ng programang Kapuso Mo, Jessica Soho ay pupuntahan umano ng DPWH (Department of Public Works and Highways) ang nasabing lugar. Patuloy parin si lola Matilde sa kanyang pag akyat sa bundok hanggang wala pang supply ng tubig. Samantala Binigyan ng Kapuso Mo, Jessica Soho team si lola Matilde ng mga pagkain at iba't ibang vitamins.