Sa Ilang Araw na Walang Tigil na Ulan, Ilang mga Lugar Binaha ng Mataas na Tubig!

Nalubog sa baha nitong Miyerkoles ang ilang kalsada sa Bataan at Pampanga dahil sa malakas na buhos ng ulan.Sa Barangay Sta. Maria s...





Nalubog sa baha nitong Miyerkoles ang ilang kalsada sa Bataan at Pampanga dahil sa malakas na buhos ng ulan.Sa Barangay Sta. Maria sa Macabebe, Pampanga, walang magawa ang mga residente kundi sumulong sa baha. Apat na araw na ang tubig sa kanilang lugar dulot ng ulan na dala ng Bagyong Fabian na pinalala pa ng hanging habagat.

 

Dahil sa high tide, tumataas ang tubig araw-araw sa lugar. Sa bayan ng Guagua, pasakit sa mga motorista ang road upgrading sa Barangay Sta. Filomena. Naipon kasi ang tubig mula sa walang tigil na ulan mula pa noong weekend. Binaha rin ang ilang bahagi ng Balanga City, Bataan dahil sa matinding buhos ng ulan mula pa Martes ng gabi. Kaya pansamantalang hindi makadaan ang mga light vehicle sa northbound at southbound dahil sa tubig na lampas 1 talampakan. Samantala, bahagya namang tumataas ang tubig sa ilang parte ng Mariveles, Bataan. 


Nitong Miyerkoles ng umaga, nag-abiso ang mga awtoridad sa mga residenteng nakatira sa tabi ng dagat na lumikas dahil sa malalakas na hampas ng alon. Ayon sa PAGASA, inaasahang magtatagal pa hanggang weekend ang pag-ulan sa Central Luzon. "Asahan po natin 'yan. Ito po ay dulot ng habagat na pinalakas ng 2 bagyo. 'Yung isang bagyo si Fabian at 'yung isa naman 'yung dating low-pressure na naging Bagyong Cempaka," ani Manuel Esguerra Jr., chief meteorologist ng PAGASA-Clark. 


Karamihan ng pag-ulan ay mararanasan sa Metro Manila at Southern Luzon na naka-orange rainfall warning. Nasa yellow rainfall warning naman ang lalawigan ng Pampanga. Ibig sabihin, malakas ang pag-ulan sa loob ng 1 oras at susunod pang 2 oras.

COMMENTS

Name

viral,238,
ltr
item
VIRAL NEWS NGAYON: Sa Ilang Araw na Walang Tigil na Ulan, Ilang mga Lugar Binaha ng Mataas na Tubig!
Sa Ilang Araw na Walang Tigil na Ulan, Ilang mga Lugar Binaha ng Mataas na Tubig!
https://1.bp.blogspot.com/-XXOCNj4gXe8/YQNuRNdbShI/AAAAAAAAFZU/quBfn8aOc_wRHKBXFy3K16nJbmXICucuQCLcBGAsYHQ/s16000/baha.png
https://1.bp.blogspot.com/-XXOCNj4gXe8/YQNuRNdbShI/AAAAAAAAFZU/quBfn8aOc_wRHKBXFy3K16nJbmXICucuQCLcBGAsYHQ/s72-c/baha.png
VIRAL NEWS NGAYON
https://www.viralnewsngayon.info/2021/07/sa-ilang-araw-na-walang-tigil-na-ulan.html
https://www.viralnewsngayon.info/
https://www.viralnewsngayon.info/
https://www.viralnewsngayon.info/2021/07/sa-ilang-araw-na-walang-tigil-na-ulan.html
true
1462148087577179965
UTF-8
Loaded All Posts Not found any posts VIEW ALL Readmore Reply Cancel reply Delete By Home PAGES POSTS View All RECOMMENDED FOR YOU LABEL ARCHIVE SEARCH ALL POSTS Not found any post match with your request Back Home Sunday Monday Tuesday Wednesday Thursday Friday Saturday Sun Mon Tue Wed Thu Fri Sat January February March April May June July August September October November December Jan Feb Mar Apr May Jun Jul Aug Sep Oct Nov Dec just now 1 minute ago $$1$$ minutes ago 1 hour ago $$1$$ hours ago Yesterday $$1$$ days ago $$1$$ weeks ago more than 5 weeks ago Followers Follow THIS CONTENT IS PREMIUM Please share to unlock Copy All Code Select All Code All codes were copied to your clipboard Can not copy the codes / texts, please press [CTRL]+[C] (or CMD+C with Mac) to copy