Dalawang senior citizens ang nagtapos sa junior high school sa Nueva Ecija. Kilalanin sina lola Elena Briones at lola Amparo Bergoni...
Dalawang senior citizens ang nagtapos sa junior high school sa Nueva Ecija. Kilalanin sina lola Elena Briones at lola Amparo Bergonia, na parehong graduate ng Alternative Learning System ng programa ng Department of Education. Si lola Amparo at 85 yrs old na habang 75 yrs old naman si lola Elena. Ang dalawang lola na ito ay nais din daw nilang makapagturo sa mga kagaya nila matatanda na magpatuloy parin sa kanilang pag aaral.
Pero dahil may edad na ay masaya na daw silang naka graduate ng high school. Bukod sakanila lola Amparo at lola Elena, hindi rin nagpahuli ang 78 yrs na lolo nasi lolo Marcelino Jose at si tatay Manolo Salvador na 45 yrs old na parehong PWD. Sa kabila ng kanilang mga edad, ay pursigido paring makapagtapos sina lolo Marcelino at tatay Manolo dahil malaking tulong daw ito sa kanilang pakiramdam.
Si lolo Marcelino lamang daw ang gumagawa ng kanyang artificial leg na kanyang ginagamit. Si tatay Manolo naman ay grade 5 lamang daw ang inabot kaya pursigido ring maipagpatuloy ang pag aaral. Aminado naman ang ALS sa Nueva Ecija na mahirap daw kumbinsihin na bumalik sila sa pag aaral, ang mga ilang nakatira sa lib lib na lugar pero hindi parin daw sila tumigil.
Kaya ipinaliwanag nila sa mga ito ang kahalagahan ng edukasyon at kapag ALS ay libre lamang ang mag aral. At dahil sa ganoong paliwanag ay nahikayat silang mag aral. Sa kabila ng kanilang edad ay marami paring naniniwala sa kanila na hindi raw huli ang lahat para makamit ang inaasam na makapagtapos ng pag aaral.