Bata pa lamang ay pangarap na ni Gelbert Crescencio na maging isang neuroscientist at neurosurgeon kaya naman ay nagpursige siyang m...
Bata pa lamang ay pangarap na ni Gelbert Crescencio na maging isang neuroscientist at neurosurgeon kaya naman ay nagpursige siyang makapasok sa kanyang pinapangarap na kolehiyo—ang Amherst College sa Massachusetts, USA. Ang ambisyon ni Gelbert ay nagsimula noong pumanaw ang kaniyang lolo dahil sa sakit na Alzheimer’s.
Ayon kay Gelbert, ay gusto niyang makagawa ng isang device na makaka-detect ng early onset ng sakit na Alzheimer’s disease. Dahil sa hirap ng buhay, ay napag tanto ni Gelbert na hindi kakayanin ng kaniyang mga magulang na matustusan ang kaniyang pag-aaral.