Proud na proud si Mikko Kim Argudo ng i- post at ibahagi nya ang kanyang 80 anyos na lola na si Fernanda Devera Argudo o mas kilala ...
Proud na proud si Mikko Kim Argudo ng i- post at ibahagi nya ang kanyang 80 anyos na lola na si Fernanda Devera Argudo o mas kilala sa tawag ng mga tao na Lola Pendang sa bayan ng Lopez, Quezon. Bagaman si Lola Pendang ay bulag na ang mga mata dahil sa katarata ay nakakapag gantsilyo parin si lola.
Iba't ibang klaseng gamit na ang nagantsilyo ni lola tulad ng pouch, cellphone case, centerpiece, pantakip sa lamesa, at iba pang uri ng banig. Dagdag pa ni Mikko ay para maging maganda ang kakalabasan ng mga gantsilyo ni Lola Pendang, ay sinasabi na lamang nila ang kulay ng sinulid na hawak ni lola.
Mga banig daw ang unang ginagawa ni Lola Pendang noon dahil tinutulungan ng kanyang asawa at siya ang gumagawa ng disenyo. Malaking bagay daw ang ginagawa ni lola na pag gagantsilyo upang mabawasan ang kanyang pagkainip dahil palagi na lamang itong nasa loob ng bahay.
"Ginagawa daw nya yun para kahit papaano ay may maiwan siyang alaala pagdating ng panahon.... kaya ayaw nyang magbenta ay dahil hindi nya alam ang worth ng kanyang mga gawa at nahihiya sya na baka pag ibinenta nya ay may mali o hindi magustuhan." pahayag ni Mikko apo ni lola Pendang.
Tanging hiling lang ni Mikko para sa kanyang lola ay sana mabigyan ito ng hearing aid dahil hindi daw si lola nakasama sa mga nabigyan sa kanilang baranggay.
Tanging hiling lang ni Mikko para sa kanyang lola ay sana mabigyan ito ng hearing aid dahil hindi daw si lola nakasama sa mga nabigyan sa kanilang baranggay.