Tinapos na ni Hidilyn Diaz ang matagal na nating paghihintay na makamit ang ating inaasam na gold medal, simula pa noong 1924 na sum...
Tinapos na ni Hidilyn Diaz ang matagal na nating paghihintay na makamit ang ating inaasam na gold medal, simula pa noong 1924 na sumali ang bansang Pilipinas sa Olympic games. Sapagkat nag wagi at nanguna si Hidilyn sa ginawang weightlifting tokyo olympics 2020 na naging dahilan na makamit at makuha natin ang unang una na gold medal sa patimpalak.
Sa nakaraang Olympics na ginawa ay nakakuha si Diaz ng Silver, kaya ay laking tuwa na lamang nya ng makuha nya ang ginto ngayong taon. Tinapos ni Hidilyn ang laro sa score na 224 kg na naging dahilan upang matalo ang China. Naiuwi ng China ang silver medal at sa Kazakhstan naman ang bronze.
Sa ngayon ay mayroon ng 3 silvers, 7 bronze, at isang gold ang Pilipinas. Inaasahang makakatanggap si Hidilyn ng 33 million pesos kapag uwi dito sa Pilipinas dahil sa kanyang karangalang ibinigay sa ating bansa.