Ang pinapangarap sanang graduation ay hindi na makakamit matapos atakihin sa puso ang isang graduating student na si Hemenz Luzada. ...
Ang pinapangarap sanang graduation ay hindi na makakamit matapos atakihin sa puso ang isang graduating student na si Hemenz Luzada. Inilarawan ng dating kasintahan ni Hemenz na si Vanesa Encila na pursigudo, punong puno ng buhay, at may pangarap na maiahon ang pamilya sa hirap ang dating nobyo.
Kwento pa ni Vanesa ay bilang isang working student ay ipinagpatuloy talaga ni Hemenz ang kanyang kursong Business Adminitration Major in Financial Management. Daddag pa nya ay noong grumaduate din daw sya at nakita ni Hemenz ang picture nya na nakatoga, ay sinabi nyang gusto din nyang magkaroon ng ganon at gusto din nyang makasama si Vanesa sapagkat ito ang nag push sa kanyang mag aral.
Gusto din daw nyang magkaroon ng picture na nakatoga kasama ang kanyang mga kapatid at magulang sapagkat sya palang ang unang nakagraduate sa kanila. Kwento ng mga magulang ni Hemenz ay wala daw itong bisyo, hindi naninigarilyo kaya sobra na lamang ang sakit na kanilang nararamdaman.
Pahayag ng pamilya ni Hemenza ay June 26 ay ang itinakdang graduation, pero dahil sa hindi inaasahang pangyayari ay hindi na nagising pa ang binatilyo. Cardiac arrest at nakita na lamang nila itong hindi na humihinga ng kinaumagahan.