Maraming lugar ang sobrang naapektuhan ng lumaganap na pamdemya ngayon na Covid-19, maraming nawalan ng trabaho at hindi nakabyahe...
Maraming lugar ang sobrang naapektuhan ng lumaganap na pamdemya ngayon na Covid-19, maraming nawalan ng trabaho at hindi nakabyahe, pero meron paring mga lugar na halos walang naging epekto sa kanila ang lumaganap na sakit.
Isa na dito ay ang bayan ng Tingloy sa Batangas na bagaman sobrang laganap na na ng sakit ay hindi ito halos dinapuan ng Covid- 19. Gayunpaman ay hindi naman nakaligtas ang kanilang dalampasigan sa sandamakmak na surgical mask o ibang pang gamit pang ospital na inanod sa kanilang dagat.
Ayon sa nga resisdente ay kahit wala pang pandemya ay matagal na nilang alam ang masasamang posibleng idulot ng mga plastic sa karagatan, dahil daw noon pa mang walang covid ay marami naring basura ang napapadpad sa kanilang dagat, mas marami na nga lang ngayon.
Kaya naman dahil dito ay lagi lagi silang namumulot at nangongolekta ng mga plastic saka nila nililinis o kaya ay ginugupit at pagkatapos ay binibenta nila ito sa mga pabrika. Ngunit ang isa sa mga ikinababahala nila ang mga surgical mask dahil baka daw ay may dala itong virus.