Hinahangaan ngayon ang isang Grade 5 student na mula sa Ifugao, dahil sa kanyang walang pag dadalawang isip na isauli ang napulot ny...
Hinahangaan ngayon ang isang Grade 5 student na mula sa Ifugao, dahil sa kanyang walang pag dadalawang isip na isauli ang napulot nyang wallet bag na nag lalaman pala ng limpak limpak na salaping may mahigit na 100,000 pesos cash.Nakita ito ng 11 yrs old na si Denard Uy- uyon habang sya ay sakay ng isang pampasaherong jeep pauwi na sa kanilang bahay.
Imbis na ito ay matuksong itabi o gamitin, dinala na lamang ni Denard ang pouch sa kanyang ina para magpatulonh dito na maisali ang perang nakita sa may ari. Buti na lamang daw ay may mga ID na nakalagay sa loob ng pouch kaya agad nilang naisuli ito sa kabaranggay lamang pala nila. Proud na proud naman ang mga magulang Denard sa kanya dahil sa ipinamalas nyang katapatan.
Para sa ama ni Denard ay kapos man sila sa karangayaan, mayaman naman daw sila sa karangalan. Ang deped ng Ifugao ay hinirang ni Denard bilang isang modelo ng kabataan. At may nag abot din ng tulong pinansyal sa kanya matapos makita ang post sa kanyang ginawa. Aminado ang mga magulang ni Denard na dati ng nasasangkot sa gulo ang kanilang anak kaya nagpapasalamat sila na napatunayan na ni Denard ang kanyang sarili na kaya nyang mag bago.