Isang ama ang nanawagan ng breast milk para sa kanyang kambal na mga anghel sa kadahilanang ang kanyang asawa ay nasawi dahil narin ...
Isang ama ang nanawagan ng breast milk para sa kanyang kambal na mga anghel sa kadahilanang ang kanyang asawa ay nasawi dahil narin sa pangnganak nito. Pahayag ni Tatay Jairus Gutierrez ay kahit konti breastmilk lamang daw ay malaking halaga na.
Ang mas malala pa ay may roong sakit ang dalawang sanggol sa dugo kaya daw ay mahalagang breast milk lamang ang dapat nilang inumin ayon sa mga doktor. Kaya labis na lamang ang pag susumikap ng tatay na si Jairus upang maghanap ng trabaho o pagkakakitaan at mahahanapan ng donasyon na breastmilk para sa kanyang mga anghel.
Daing pa nya ay sobrang hirap daw na lumapit sa mga tao na humingi ng breastmilk dahil kung minsan ay nanghihingi pa ng kapalit, pero lahat daw ay kailangan nyang gawin at kaya nyang isakripisyo para lamang sa kanyang kambal at sa ikagiginhawa ng kanilang mga buhay.