Sa isang iglap ay biglang na lamang naging ulila ang limang magkakatapatid sa Ipilan Brooke's Point, Palawan, matapos na maaksid...
Sa isang iglap ay biglang na lamang naging ulila ang limang magkakatapatid sa Ipilan Brooke's Point, Palawan, matapos na maaksidente ang kanilang magulang at sabay pang nasawi sa isang vehicular accident sa Palawan.
Kinilala na si Alma Carnain at Belhade Carnain ang mag asawang nasawi sa aksidente at patuloy paring nasa gamutan ang 16-anyos nilang anak na kasama nila ng mangyari ang aksidente at maswerteng nakaligtas.
Kaya ngayon ay nanawagan sila ng tulong sapagkat ayon kay Jamilah Macud, kapatid ng lalaking nasawi ay lima daw ang naulilang anak ng mag asawa. At dahil sa hirap din daw ang kanilang kalagayan sa buhay ay tanging pag aaruga lamang daw ang kaya nyang ibigay para sa kanyang mga pamangkin.
Ngayon ay nangangailangan sila ng tulong pinansyal upang makabili ng pagkain at iba pang pangangailangan, lalong lalo na ang 3 sa mga bata sapagkat maliit pa ito. Nakakalungkot man ay inihatid na nila sa huling hantungan ang mag asawa.
Para naman sa mga nais tumulong, maaaring makipag-ugnayan sa Brigada News FM Palawan sa mga sumusunod na numero: 0995-556-9396 / 0908-986-3762.
Gcash - 0998-239-5970