15 taong gulang pa lamng pero ma sariling negosyo at may ari na ng isang gotohan ang isng estudyante sa Asingan, Pangasinan. Ang per...
15 taong gulang pa lamng pero ma sariling negosyo at may ari na ng isang gotohan ang isng estudyante sa Asingan, Pangasinan. Ang pera daw na ginamit nya pang puhunan ay mula lamang sa kanyang naipon na allowance na ibinibigay ng kanyang mga magulang habang sya ay nag aaral.
Naisip ni Dondon Colcol III na mag tayo ng sarili nyang gotohan sapagkat ito daw umano ang nakikita nyang susi upang makaalis sila sa hirap na dinanas noong bata pa sya. Kaya ng sabihan ni Dondon na magtatayo sya ng kanyang sariling negosyong gotohan, ay walang pag dadalawang isip na tinulungan sya ng kanyang kuya sa kanyang gustong gawin.
Hiwalay na ang parehong mga magulang ni Dondon at ang tanging nakakasama at katulong nya ngayon ay ang kanyang kuya. Sa ngayon ay Grade 10 student na at ipinagsasabay ni Dondon ang kanyang pag aaral at ang kanyang pag nenegosyo. Panawagan pa nya sa mga katulad nyang mga bata ay sana raw maging inspirasyon ito sa kanila.