Marami ang humanga at bumilib sa batang lalaki na ito dahil sa kanyang kaisapagang ginagawa. Nagtitinda kasi sya at nag lalako ng m...
Marami ang humanga at bumilib sa batang lalaki na ito dahil sa kanyang kaisapagang ginagawa. Nagtitinda kasi sya at nag lalako ng mga meryenda upang makapag handa ng surpresa at regalo para sa kanyang pamilya at mahal sa buhay.
Mahigit isang taon na daw na naninirahan dito sa Maynila ang 12 taong gulang na si Joshua sapagkat inabutan daw ito ng lockdown dito sa lugar, kung saan ay bumibisita lamang sya sa isang kamag anak. Kaya ng sinimulan ang lockdown ay hindi na nakauwi pa si Joshua sa kanila sa Cavite.
Ang kanyang Ama naman ay naiwan sa Cavite. Kwento pa nila ay nagkasakit na daw at hindi makapag lakad ang kanyang Ama sa Cavite kaya ay napilitan si Joshua na dumiskarte at magbalat ng buto sa pamamagitan ng paglalako at pagtitinda ng meryenda, para maipadala ay ang pera sa kanyang pamilya sa Cavite at para narin sa kanyang simpleng regalo para sa mga ito.