Mamahaling sasakyan na aabot sa 21 piraso, winasak lamang ng Custom sa Cagayan De Oro, Maynila dahil sa hindi tama ang ibinayad na...
Mamahaling sasakyan na aabot sa 21 piraso, winasak lamang ng Custom sa Cagayan De Oro, Maynila dahil sa hindi tama ang ibinayad na buwis. Mistulang mga pinitpit na lata ang mga ito.
Hindi raw tugma ang mga sasakyan sa papeles na ibinigay sa Customs, kayat nalaman nilang hindi binayaran ng tamang buwis. Mahigit na 35 hanggang 40 milyon dapat ang babayarang buwis para sa mga sasakyang ito pero 3 milyon lamang ang gustong bayaran ng importer.
Sa ngayon ay wala sa mga importer ang nakipag-ugnayan sa Bureau of Customs para ayusin o bigyang-linaw ang mga papeles ng mga kotse, ayon sa tanggapan.