Kung makikita nyo ay tila parang sabon na lamang kung ipahid ng mga lalaking ito ang cow dung o ang dumi ng baka sa isa sa mga mala...
Kung makikita nyo ay tila parang sabon na lamang kung ipahid ng mga lalaking ito ang cow dung o ang dumi ng baka sa isa sa mga malaking cow shelter sa India. Ang dumi ng baka ay inilalagay nila sa kanilang halos buong katawan, mula ulo, sa kanilang mukha, at hanggang kanilang mga paa.
Ang pinaniniwalaan kasi nila ay hindi sila tatamaan ng Covid- 19 kapag ginawa nila ito. Sa kultura kasi nila ay itinuturing nilang sagrado ang simbolo ng kanilang buhay at mundo ang mga baka. Sa katunayan ay malimit nilang gamitin ang dumi ng baka sa paglinis ng kanilang mga bahay pati narin sa kanilang mga prayer rituals.
At kaya naniniwala rin silang kaya sila nitong ilayo sa banta ng Covid- 19. Ayon sa isa na nagsagaw anito ay ipinag hahalo nila ang dumi at ihi ng baka pagkatapos ay saka ipapahid sa kanilang katawan upang patuyuin at maabsorb nila ang sinasabing vitamin daw na nandoon. Isang beses sa isang linggo nila itong ginagawa.
Ngunit sa kabialng banda ay binigyan sila ng babala ng doktor ng India na posible iyong pagmulan pa ng pagkalat ng ibang mga sakit . At waka rin daw na siyentipikong basehan na epektibo itong pag pagpapahid laban sa Covid- 19. Sa katunayan ay mas marami pa itong pwedeng maging a masamang epekto sa kalusugan. Patuloy parin sa pag taas ang kaso ng Covid- 19 sa India.