Patuloy parin sa pag padyak ng pedicab sa kabila ng pagkawala ng isang binti dahil sa aksidenteng kinasangkutan nya noong Oktubre ...
Patuloy parin sa pag padyak ng pedicab sa kabila ng pagkawala ng isang binti dahil sa aksidenteng kinasangkutan nya noong Oktubre 29, 2014, si Zosimo Cabuong Jr., 35- anyos na nakatira sa Pugeda St. Brgy Kanluran, Rosario Cavite, na kilala rin sa kanilang lugar sa tawag na "Tepart".
Ayon kay Zosimo ay naipit daw ang kanyang binti ng bakal ng maaksidente sila habang nag tatrabaho siya bilang pahinante ng isang truck ng basura sa Quezon City, kaya kinailangang putulin na ang kanyang kaliwang binti. Dagdag pa nya ay buntis daw ang kanyang asawa ng mangyari ang aksidenteng iyon kaya pinilit nyang lumaban at nanalangin sya.

Kaya ngayon ay kahit ganoon na ang kalagayan nya ay pinipilit nya paring magtrabaho dahil may inaalagaan silang mag asawa na 6- anyos na anak at pati narin ang 86- anyos na lola ni Zosimo na si lola Ligaya na mayroong iniinda ring karamdaman. Sinisikap daw talaga nyang mamasada gamit ang pedicab na kailangan mag boundary. Ngayon ay kumikita lamang sya ng 200 kada pasada at depende pa ito sa oras ng kanyang pagpasada.
Panawagan lang ni Zosimo na sanay magkaroon sya ng artipisyal na mga paa na magagamit nya sa bawat pagsada nya o kaya ay electric bike na may sidecar para makabawas sa kanyang hirap sa pag padyak. Paalala nya pa sa mga tao ay patuloy lamang daw na manalangin at magpatuloy sa kabila ng mga hamon sa buhay, makakayanan daw natin lahat ito.