Bistado ang pagpapanggap na pilay ng isang pulubi sa Ortigas busway- southbound sa EDSA bago mag 5:30 ng hapon noong Martes. Nakat...
Bistado ang pagpapanggap na pilay ng isang pulubi sa Ortigas busway- southbound sa EDSA bago mag 5:30 ng hapon noong Martes. Nakatambay daw lagi umano ang pulubi nagpapanggap na pilay sa EDSA Carousel sa bahagi ng Ortigas upanag humingi ng limos sa mga taong dumadaan doon.
Ayon sa marshall na siyang humabol sa pulubi na nakilalang si Seaman Second Julius Abundol ng Philippine Coast Guard, ay nakatanggap daw sya ng reklamo mula sa dalawang commuter na sapilitan daw umanong nanghihingi ng pera ang lalaking nagpapanggap na pilay. At kapag daw tumanggi silang mag bigay ng limos ay nagmumura at naglalabas ito ng patalim.
Dahil sa reklamo ng dalawang commuter ay pinuntahan ng nasabing marshal ang pulubi upang pagsabihan at paalisn nalang sana. Sinundan ng marshal ang lalaking pulubi hanggang sa dulo ng busway. Ngunit sa kabila ng mga babala ng marshal ay dumaan parin ang pulubing nakasaklay sa kalsada kaya muling itong hinabol at pinagsabihan.
Pero ng sitahin syang muli ay doon nya na nagawang bitiwan ang kanyang saklay at tumakbo upang saksakin sana ang marshal. laking gulat ni Abundol ng bigla itong tumakbo at lumapiy sa kanya para manaksak. Bigla namang dumating ang isang HPG upang tumulong kay Abundol sa pag kontrol sa lalaki at pag kuha ng patalim.
Pagkatapos noon ay pinakawalan din ang lalaki matapos umanong bigyan ng pera at pinasakay papuntang Baclaran. Binigyan ng palayaw na "Ariel" ang lalaki at lagi daw umano itong nagmumura at namamato ng mga bus doon. Hinihinala rin nilang may problema ito sa pag iisip.