Sa improvised zipline na lamang isinakay ang isang kabaong ng 98- anyos na resisdente upang maitawid sa ilong, sa Hacienda Pulo, Mal...
Sa improvised zipline na lamang isinakay ang isang kabaong ng 98- anyos na resisdente upang maitawid sa ilong, sa Hacienda Pulo, Malisbog 1 sa Silay City, Negros Occidental. Wala kasing tulay sa kanilang lugar matapos masira noong pang Enero ng dahil sa flashflood ayon sa mga residente.
Matapos maitawid ng kabaong ay sunod namang itinawid ang mga kagamitang gagamitin sa pag burol. Ayon sa nakatira doon ay simula noong nasira ang tulay na ginagamit nila noon ay napipilitan na raw ang mga residente na tumawid gamit ang improvised zipline para lamang makatawid sa ilog.
Sa ngayon ay habang wala pang tugon sa kanilang hinaing na magkaroon ng tulay, ay patuloy parin nilang gagamitin at sasakyan ang improvised zipline upang tumawid sa ilog.