Kinabibiliban ngayon ng marami si Ken Adrian Dela Cruz na isang plantito o plantotoy, dahil sa kanyang murang edad ay may sarili na ...
Kinabibiliban ngayon ng marami si Ken Adrian Dela Cruz na isang plantito o plantotoy, dahil sa kanyang murang edad ay may sarili na syang naitayong plant business na makikita sa Quezon City. 7- anyos pa lamang daw umano si Ken ay nahilig na sya sa pag aalaga ng mga halaman , hanggang sa naisip nyang gawin itong collection.
Bata pa lamang daw si Ken nang mahumaling sa pag aalaga ng Bougainvillea, hanggang sa mangolekta sya ng ibat ibang klase ng halaman at umabot na sa mahigit dalawang daan ang mga halamang kanyang inaalagaan.
Hanggang sa mauso ang paghahalaman ngayong may Covid- 19 pandemic ay naisipan din nyang ibenta ang iba sa kanyang mga alagang halaman at hindi nag tagal ay pati ang lalagyan ng mga halaman na paso ay nag bebenta narin sya.
Dahil sa naging negosyo ni Ken ay natulungan nya ang kanyang ate na makapagbayad ng tuition sa kolehiyo. Dagdag pa ng ina ng bata ay hands on si Ken sa kanyang ginawang business at bukod sa pagiging madiskarte ay consistent honor student daw ito sa kanyang paaralan.