Nagulantang ang mga tao ng magkaroon ng usok ang bandang ibaba ng Starmall Shaw. Nasunog kasi ang ilang bahagi ng Starmall, sa may E...
Nagulantang ang mga tao ng magkaroon ng usok ang bandang ibaba ng Starmall Shaw. Nasunog kasi ang ilang bahagi ng Starmall, sa may Edsa Shaw, Mandaluyong City kanina lamang umaga. Ayon sa mga nakasaksi ay noong umaga ay payapa lamang daw na may roong tiangge sa ilalim ng Starmall o parking lot nito.
Nang mapansin ng isang saksi na mayroong nangyaring sparks sa isa sa mga plug doon. Sa kadahilanang ang mga mga gamit na nandoon sa mga oras nayon ay mga plastic, damit, at iba pang mga bagay na madaling masunog, ay mabilis na kumalat ang apoy sa lugar.
Umabot sa unang alarma ang nasabing sunog. Wala namang tinayang malubhang nasaktan o nasugatan sa pangyayari. Tanging ang mga paninda lamang na nandoon ang tanging casualties sa lugar. Sa ngayon ay inaalam pa ng BFP ang tunay na sanhi ng sunog doon.