Ayon sa ulat ng GMA Regional TV 'Balitang Amianan' noong Hunyo 9, may dalawang lalaki ang binawian umano ng buhay matapos na...
Ayon sa ulat ng GMA Regional TV 'Balitang Amianan' noong Hunyo 9, may dalawang lalaki ang binawian umano ng buhay matapos na tamaan ng kidlat. Ang dalawang lalaki ay kinilalang sina Fernando Guntang, 20-anyos at Jeric Soriano,25-anyos. Ang dalawang nasåwi ay nag-aayos umano ng patubig sa gita ng bukid sa San Fabian, Pangasinan.
Base sa imbestigasyon ng mga Pulis, lumitaw umano na nagtungo ang dalawa sa bukid para ayusin ang patubig sa Barangay Angio. Nagtayo umano ang mga biktima ng masisilungan sa gitna ng bukid na may yero na bubungan at ito lamang ang mataas na bagay sa lugar na iyon at walang mga puno.
Nakuhanan pa ng video si Fernando Guntang bago pa nangyari ang insidente. Habang si Jeric Soriano naman ang kumukuha ng video at natamaan din ng kidlat ang hawak nitong cellphone.
"Accordingly, yung may cellphone na ito, hawak-hawak niya yung cellphone. Then nung ibinulsa, biglang kumidlat at siya yung talagang napuruhan," ayon kay Police Major Ramil Mendioro, hepe ng San Fabian Police.
Ayon naman sa ama ni Fernando na si Ronie Guntang, ay nagkaroon umano ng tama ng kidlat sa hita si Jeric Soriano.