Nakakalungkot ang nangyari sa isang batang babae sa Del Gallego, Camarines Sur. Matapos masawi ang pitaong taong gulang na babae at ...
Napag-alaman`nila sa ginawang pag iimbestiga, na tanghali nitong Lunes nang magkayayaan ang biktima na si Rhian Ley Benvinoto at ilan pa niyang kaanak na maligo sa isang beach sa Barangay Sinuknipan.Nasa mababaw na bahagi lang umano ng tubig ang biktima nang biglang magsisigaw ito dahil sa pagkapit ng dikya sa kaniyang binti at paa na pinaniniwalaang isang uri ng box jellyfish.
Nagtulong-tulong na ang mga tao na alisin sana sa biktima ang nakakapit na dikya. Pero nawalan agad siya ng malay at hindi na umabot ng buhay sa ospital. Nakapitan din ng dikya ang kaniyang tiyuhin at pinsan pero nakaligtas. Ipinagtataka naman ng ama ng biktima na nasa trabaho noon nang mangyari ang insidente kung bakit bukas ang resort at pinayagang tumanggap ng mga bata gayung mayroon pang pandemya.