Marami talaga mga naimbentong bagay na mag nagpapadali sa pamumuhay ng tao ngayong pandemya. Marami ring mga apps na pwede kang ma...
Marami talaga mga naimbentong bagay na mag nagpapadali sa pamumuhay ng tao ngayong pandemya. Marami ring mga apps na pwede kang mag shopping ng hindi lumalabas ng bahay. Pero kapag bumibili tayo sa mga ganung shopping apps ay nakakasigurado ba tayong ligtas ito?
Gaya na lamang sa isang babaeng ito na halos malapnos ang kanyang balat, dahil nabutas ang Hot compress na gamit. Ayon kay Star Villiarta Valdez na syang nag kanda paso paso ang balat ay naisip lamang daw nyang mag hot compress dahil sumasakit ang kanyang balikat.
Kaya kinuha nya ang hot water bag upang lagyan nya ng mainit na tubig sa loob. Ngunit laking gulat nya ng pagkalagay ng hot compress ay bigla itong pumutok sa kanyang balikat. Ipinatong lamang daw ito ni Valdez at hindi nadaganan. Hinala nya ay dahil ito sa sobrang init ng Compress.
Narito ang buong post ni Valdez:
"Mag ingat sa hot water bag biglang pumutok sa shoulder ko ipinatong ko lang yan nabuka na ang gilid At take note Di po yan nadaganan sadyang nabuka po siguro sa sobrang init or else sa tagal na I’m in pain
"