Hindi lamang isa, hindi din dalawa kundi tatlong anak ng mag asawang Benedicto at Rowena Conde ang sa isang iglap lamang ay pumanaw ...
Hindi lamang isa, hindi din dalawa kundi tatlong anak ng mag asawang Benedicto at Rowena Conde ang sa isang iglap lamang ay pumanaw sa Samar. Ngayon ay labis ang pagluluksa at pag dadalamhati ng pamilya Conde sa pagkawala ng kanilang tatlong mga anak, dahil lamang sa pagkain ng isdang butete o mas kilala bilang "Puffer Fish".
Kwento ng amang si Benedicto ay engkanto ang dahilan ng pagkawala ng kanyang mga anak, naligo raw kasi ang mga ito sa ilog na malapit sa kanilang bahay, kaya hinihinala nyang nabati ang mga ito. Pero iba ang lumabas na resulta sa imbestigasyon ng mga pulis, batay kasi sa kanila ay kumain ang mga ito ng isdang butete o puffer fish.
Ayon naman kay Rowena na syang ina ay kakatapos lamang daw nilang mananghalian noon ng biglang sumama na ang pakiramdam ng bata. Nagsimula muna daw silang mag suka sabay pag inda na masakit daw ang kanilang leeg. Sinubukan pa daw nilang dalhin sa ospital ang panganay nilang anak ngunit hindi narin ito naka abot sa ospital, at pumanaw na ito.