Matatandaang natin tuwing na sa tuwing sasapit ang May 1, ay cenecelebrate at ipinag diriwang natin dito sa Pilipinas ang Labor day. Bilang...
Matatandaang natin tuwing na sa tuwing sasapit ang May 1, ay cenecelebrate at ipinag diriwang natin dito sa Pilipinas ang Labor day. Bilang pag gunita sa mga manggagawa na nakipag baka para sa igalang, ang kanilang kagitingan at katapangan sa pag hiling ng mas mabuting kalagayan ,para sa kanilang pag gawa.
Ngunit iba nga ang ating nasaksihan sa Welcome Rotonda, Quezon City. Kahapon May 1, 2020, ay dinagsa ng marami umanong raliyista ang nasabing lugar na ito. Na ang ilan pa daw sakanila ay wala ngang suot na face shield at hindi nakasusunod sa ipinanukalang social distancing at mga health protocols.Makikita sa larawan ang sitwasyon sa nasabing pagtitipon na isinagawa.

Ayon sa ulat at naging fb live ni Jhomer Apresto sa DZBB at sa kanyang Fb page , ay nagsagawa umano ng kilos protesta ang ibat ibang grupong nasa ilalim ng grupong 'Bagong Alyansa Makabayan'. Na naging dahilan ng naging mabagal at mabigat na pagusad ng trapiko sa kahabaan ng nasabing lugar.
Batay sa nakalap na impormasyon ay, naunang ng nagsagawa ng kilos protesta sa bandang Liwasang, Bonifacio ang mga grupo ng raliyista ngunit hinarang lamang sila doon, kaya't napagpasyahang sa Welcome, Rotonda nalamang gawin ang protesta upang isaad at ipahayag ang kanilang damdamin sa ating kasalukuyang Gobyerno.

Iba't iba mang grupo ang dumating sa kilos protesta, ay iisa lamang ang kanilang sinisigaw at pinaglalaban ngayon . Ito ay ang ayuda ngayong may pandemic na lumalaganap. Ang kanilang daing ay mabigyan umano ng sampung libong (10,000) ayuda ang mamamayan sa isang buwan. Na sa loob ng tatlong buwan ay dapat tatlumpung libo (30,000) na ang naibigay.
Pagka lipas ng mga ilang oras, di rin nagtagal ay nag sialis na ang mga raliyista sa Rotonda, at bumalik narin sa maayos ang daloy ng trapiko roon. Wala namang may malubhang nasaktan sa naturang pagtitipon na isinagawa.