Si Dr. Paul "Tipoy" Villarino ang isa sa mga topnotcher sa Physician Licensure Exam noong 2019. Nagmula sa maliit na bayan...
Si Dr. Paul "Tipoy" Villarino ang isa sa mga topnotcher sa Physician Licensure Exam noong 2019. Nagmula sa maliit na bayan ng Godon, Zamboanga Del Norte, at nagpugay ang lahat sa kanyang tagumpay. Dahil dito, maraming nag alok sa kanya ng trabaho at oportunidad sa siyudad at ibang bansa, pero hindi nya ito tinanggap sa halip pinili nyang magsilbi sa bayan.
Alas kuwatro palang ng umaga ay naghahanda na si Doc. Tipoy, para sa pag punta nya sa baranggay ng San Pedro isa sa mga pinaka liblib na lugar sa bayan ng Godon. Mahigit apat na oras ang lakaran paakyat doon.
"Gusto ko maging part ng solusyon. Kasi napakadaming problema ng ating bansa. Napaka daling magreklamo sa totoo lang sa dinami dami ng problema ng pilipinas, but I'm trying my best to be part of the solution by being a physician at doctor sa isang malayo at mahirap po na bayan" Sabi ni Dr. Tipoy.
Municipal doctor sa Godon, Zamboanga Del Norte si Dr. Tipoy. Labing walong libo ang populasyon sa bayang ito, at si Doc Tipoy ang nagiisang doctor. Dahil liblib at bulubundukin ang kanilanh lugar, ay marami ang namamatay sa kanila na hindi nagkakaroon ng pagkakataong matingnan ng doctor. Batid ito ni Doc Tipoy dahil naranasan na nya ito sa kanyang sariling pamilya. Mula noon ay nangako sya sa kanyang sarili na balang araw ay magkakaroon ng doctor ang kanilang bayan.