Literal na busog ang isdang ito, hindi sa lamang dagat kundi sa sari saring basura ang natagpuan sa tiyan nito, na bibilhin sana sa ...
Literal na busog ang isdang ito, hindi sa lamang dagat kundi sa sari saring basura ang natagpuan sa tiyan nito, na bibilhin sana sa Palawan. Pagka hiwa sa tiyan ng isda ay tumambad sa kanila , hindi lamang ang mga pusit at mga maliliit na isda kundi pati na ang sandamakmak na basura tulad ng plastic cups, candy wrappers, disposable spoon at iba pa.
Kuwento ng netizen na si Mary Guzman-Tan, namalengke umano ang kanyang tatay sa Puerto Princesa, Palawan noong Sabado ng isdang Dorado. Dahil sa pagtatakang malaki ito, pinalinis at pinahiwa niya ang isda sa tindero sa palengke. Laking gulat na lang nila sa nakitang mga basura sa tiyan ng isda, bukod sa pusit na nakain nito.
Narito ang kabuuang post ni Mary Guzman -Tan: ""My father's routine almost every morning is to buy fresh fish in Jacana. He went straight to his suki this morning to look for what is available from his fresh catch. He decided to buy a kilo or two of Dorado. Since the fish was huge, the vendor sliced it open and as they revealed the insides of the fish, they were surprised to see trash, aside from some squid that the fish had eaten. Yes basura. Basura na nilunok o nalunok ng isda. There were candy wrappers, bottle caps of softdrinks (Royal pa nga yung isa), a yellow plastic spoon and salonpas. Basura sa tiyan ng isda. The fish was caught in the waters of Palawan. Even the fisherman was shocked of what he saw. Ewwwness talaga.
Dahil sa kadamangan ng tao, pati lamang dagat nadadamay. This only means that our ocean is being flooded with trash. Sabi nga ng tatay ko, iba pala kapag napapanood mo lang sa TV, at iba kapag nakita mo mismo sa personal na pag bukas ng tiyan ng isda, puro basura.
""


Sanay naraw ang mga taga Palawan sa mga nakikita nilang paunti unting basura sa tiyan ng isda. Ngunit ang nakita raw umano nila ngayon ay sobrang dami. Igini giit naman ng Provincial Health Office ng Palawan na hindi galing sa kanilang dagat ang mga basurang nakita sa tyan ng isda.
Kaya ugaliin po nating e check muna ang mga laman ng tiyan, nang isdang ating bibilhin. Upang maka siguradong safe po itong kainin.