Hindi magkamayaw ang mga nurse, doctor at ibang staff ng Philippine General Hospital pasado alas dose ng madaling araw kagabi. Matap...
Hindi magkamayaw ang mga nurse, doctor at ibang staff ng Philippine General Hospital pasado alas dose ng madaling araw kagabi. Matapos kasing magkaroon ng sunog ang ilang bahagi na gusali ng nasabing ospital. Ayon sa mga impormasyon ay sa bandang ikatlong palapag umano nagsimula ang pagliyab ng apoy, kung saan nandoon ang linen area ng operating room kaya naging mabilis ang pagkalat ng apoy dahil narin sa mga telang nakalagay sa linen area.
Ayon sa mga guwardiya ng naturang ospital, ay una umano nilang nakita ang usok sa third floor. Kaya pag dating ng mga bombero ay nahirapan silang apulahin ang apoy, dahil kasi sa sobrang kapal ng usok sa lugar na kung saan nagmumula ang apoy, ay kinailangan pa nilang magsuot ng breathing apparatus para makahinga ng maayos.

Wala namang tinayang nasaktan sa naturang pangyayari. Pasado ala sais nitong umaga nadeklarang ligtas na ang lugar. May mga pasyente na ring nakabalik sa kanilang mga kwarto. Bukas ang Philippine General Ospital sa kahit ano mang tulong mula sa publiko ayon sa post sa kanilang official facebook page.