Maraming tao ang nag bigay ng simpatya kay Miss Myanmar, matapos nitong isiwalat ang mga pangyayaring nagaganap sa kanilang bansa sa...
Maraming tao ang nag bigay ng simpatya kay Miss Myanmar, matapos nitong isiwalat ang mga pangyayaring nagaganap sa kanilang bansa sa ilalim ng pamumuno ng kanilang militar, sa pamamagitan ng Miss Universe. Ngunit ang ikina bigla ng maraming tao, ay ng malalaman nilang hindi alam ng estado ng Myanmar na umalis at tumakas lamang si Thuzar upang makasali sa naturang patimpalak.
Hindi pinayagang sumali si Miss Myanmar na sumali sa Miss Universe , sapagkat natatakot umano ang mga militar doon na isiwalat ni Miss Myanmar ang mga kaganapan doon. Ngunit hindi nag patinag si Miss Myanmar sa mga pagbabanta ng kanilang militar. Umalis sya ng palihim patungong Amerika. Hindi man nakarating ng tama sa oras ang kanyang National Costume na gagamitin, mabutin nalang ay tinulungan sya ng mga Chin Community na nasa Amerika at ginawan sya ng National Costume.
“I'm blessed and thrilled that we made it together all the way today.I wish I could have made you prouder. But I did my best and hope you all love what we got. And thank you so so Much to those who voted for Best National Costume. It's more than a costume. It's a message, spirit and solidarity. Be safe and God bless you all!” Pahayag ni Miss Myanmar.
Kahit marami ang nahing aberya sa kanyang mga kasuotan, ay si Miss Myanmar parin ang nagwagi bilang Best in National Costume. Nakapasok rin sya Top 21 sa Miss Universe.