Hindi lingid sa kaalaman ng nakararami, ang patuloy na pagka ubos at pag konti ng mga yamang tubig, tulad ng mga corales, halamang d...

Hindi lingid sa kaalaman ng nakararami, ang patuloy na pagka ubos at pag konti ng mga yamang tubig, tulad ng mga corales, halamang dagat, isda at marami pang iba. Dahilan ng patuloy na pagtaas ng mga pagkaing sa dagat lamang nakukuha.
Pero sa nangyari sa Naujan, Oriental Mindoro, ay tila ba natupad ang kanilang kahilingan sa dagat, ng biniyayaan sila ng maraming isdang tulingan. Ayon sa mga residente ng lugar ay tanging sardinas lamang ang pantawid gutom ng mga mangingisda.
Tinatayang nasa dalawang toneladang tulingan ang kanilang nalambat, na sa sobrang dami ng nahuli, ay kinailangang mahigit 30 katao ang magtulong tulong sa paghatak ng lambat.

Ayon sa mga mangingisda, ay nauna ng napansin nila ang mga ibon na hindi magkamayaw, sa pag dagit sa isdang malilit kaya naging hudyat ito na mayroong mga isda sa parteng ito ng karagatan. Nang makarating na sila sa pampang dala ang napakaraming isda, ay hinayaan nilang mag sikuha ang ibang residente upang ibahagi ang kanilang biyayang natanggap.

Mahigit 500 na kilo ang naipamahagi nila sa mga residente, at natitira ang naibenta nila sa halagang P150, 000. Ngayon, ang mahigit isang buwan na wala silang kinikita, ay napalitan agad dahil sa biyaya ng dagat.