Kaawa-awa ang kalagayan ng isang 33-anyos na inang si Maya sa Antique. Mahigit isang taon na kasing nakakulong ang ina sa kulungan n...
Kaawa-awa ang kalagayan ng isang 33-anyos na inang si Maya sa Antique. Mahigit isang taon na kasing nakakulong ang ina sa kulungan ng manok, habang inaalagan sya ng kanyang 8-anyos na anak na si Lizette. Araw-araw simula pagkagising ni Lizette, ay nagluluto na sya at nagsasaing para sa kanyang inang si Maya.
Sa maliit na butas lamang na ginawa ng ama ni Maya, inilalagay at iniaabot ang pagkain para sa kanya. Dahil hinarangan na ang pinto upang hindi makalabas si Maya. Doon na din sa kulungang iyon naliligo, umiihi at dumudumi si Maya, at pumupunta na lamang si Lizette doon para mag linis at tulungan ang ina para kumilos.

Labag man sa kalooban ay ikinulong ng mga magulang nya si Maya, sapagkat may mga pagkakataong umaalis ito ng walang paalam, at kung saan-saan pumupunta. May mga pangyayri ding nagwawala umano si Maya at nananakit narin, kaya mahirap man sa kalooban ay nagpasya na silang ikulong na lamang ito.
Nagsimula umanong magbago ang ugali ni Maya noong naging isa syang domestic helper. Ayon sa ama nya ay sinabi raw ni Maya sa kanya na sinasaktan sya ng kanyang amo roon. Napa check-up na daw nila si Maya ng isang beses, ngunit dahil sa hirap ng kanilang pamumuhay ay hindi na iyon nasundan.
Sa ngayon ay ang tanging hiling lamang ni Lizette para sa kanyang ina, ay sana gumaling at maging maayos na ang kalagayan niyo, upang makasama at makapaglaro na umano silang magina. Bukas naman ang pamilya nila Lizette sa anumang uri ng tulong.