Wala mang mga braso at kamay ang isang Filipina-American na si Jessica Cox, buong suporta naman ang ibinigay ng kanyang pamilya sa m...
Wala mang mga braso at kamay ang isang Filipina-American na si Jessica Cox, buong suporta naman ang ibinigay ng kanyang pamilya sa mga nais at gusto niyang gawin sa buhay. Minsan na rin naman siyang nagsuot ng ‘arm prostheses’ upang mapadali ang kanyang kilos, pero matapos ang halos isang dekada lamang na paggamit nito, ay napagdesisyunan din niyang tanggalin at mamuhay gamit ang kanyang sariling mga paa.
Sa kasalukuyan, nagbibigay si Jessica ng motivational at inspirational talks para sa mga taong may katulad niyang pinagdadaanan.