Sa panahon natin ngayon ay sobrang laganap na ang mga masasamang gawain. May mga pagnanakaw, pang rererape at kung ano ano pa. Pero ...
Sa panahon natin ngayon ay sobrang laganap na ang mga masasamang gawain. May mga pagnanakaw, pang rererape at kung ano ano pa. Pero nito lamang May 14, ay napabalitang may isang delivery rider na nakatamabay lamang sa may Brgy Mariana, Quezon City, ang nanghipo ng 23- anyos na dalagang naglalakad lamang umano sa kalsada ng mga oras na iyon.
Kwento ng biktima ay naglalakad lamang daw sya noon sa kalsada ng mangyari ang panghihipo. Pagkatapos ay dali daling kumaripas ng takbo ang biktima patungong Baranggay upang mag reklamo.
Ang suspek sa naturang panghihipo at nana natiling hindi pa matukoy ang kinaroroonan, ay kinilalang si Justin de Guzman, ayon sa QCPD station 11. Pahayag naman ng Commander sa QCPD station 11 ay hindi lamang daw isa ang na biktima ni Justin, dahil bukod sa na biktima sa Quezon, City ay may lumutang pang isang biktima ay nais ding mag reklamo. Nakatakda namang sampahan ng mga biktima si De guzman ng kasong acts of lasciviousness.