Dalawang lalaki ang kinasuhan noong ikaw-9 ng Mayo, matapos itong bumaba sa riles ng tren para lamang mag selfie sa Quezon Avenue St...
Dalawang lalaki ang kinasuhan noong ikaw-9 ng Mayo, matapos itong bumaba sa riles ng tren para lamang mag selfie sa Quezon Avenue Station. Mahigpit kasing ipinagbabawal ng DOTr-MRT3 ang pagbaba sa riles sapagkat lubhang napaka delikado raw nito. Nakuhanan ng footage sa cctv ang naturang pangyayari, kaya nakatulong upang mahanap kung sino ang dalawang lalaki.
"Mahigpit na ipinagbabawal ang pagbaba sa riles ng MRT-3 sa mga hindi awtorisadong indibidwal sapagkat delikado ito at maaaring ikapahamak hindi lang ng susuway sa patakaran, gayundin ng iba pang pasahero sa linya," sabi ng Transportation Asec. Goddes Libiran.
Nakilala ang dalawang lalaking bumaba sa riles ng tren na sina, Jerald Oliva isang umanong construction worker at ang kanyang kasama ay si Rey Llaso na isa namang tricycle driver. Dadalhin ang dalawang lalaking sangkot sa Quezon City Police District upang doon sampahan ng kasong alarms and scandals.