Kakaiba ang naisip ng isang guro at 24- anyos na si Lyra Royo, kasama ng kaniyang kaibigan at pamilya. Sa orihinal kasi na porma...
Kakaiba ang naisip ng isang guro at 24- anyos na si Lyra Royo, kasama ng kaniyang kaibigan at pamilya. Sa orihinal kasi na porma ng community pantry ay nakalagay lamang sa iisang lugar, mag bibigay sa kakahayan at kukuha na lamang ang tao na tama lamang, sa batay ng kanilang pangangailangan.
Ngunit iba ang ginawa ni Lyra kasama ng pamilya at kaibigan nya, iniligay nila ang kanilang community pantry sa jeep. Upang puntahan at makapagbigay mismo sa mga tao, na naktira lamang sa lansangan o mas kilala sa tawag na street dwellers.
Batay kasi sa napapansin ni Lyra, ay ito ang madalas na hindi napupuntahan at naaabot ng ayuda mula sa gobyerno at mula sa iba't ibang mga tumutulong na grupo. Nag simula lamang daw si Lyra sa E-bike at siya mismo ang nag iikot at nag hahanap ng mga street dwellers.
Mula pa noong 2015, sinimulan ni Lyra ang pagtulong sa mga naninirahan sa lansangan. Naalala nya pa daw ang batang tinulunga sya sa Quiapo noong estudyante pa lamang sya,at simula umano noon ay palagi ng kasamanila ang bata sa pagdiriwang ng pasko.
"Ang sarap sa pakiramdam na makatulong ng ganito. Sobrang saya nila sa nakuha nilana halos maiyak pa sa tuwa kasi parang nasa nasa grocery daw sila namimili" -Lrya Royo. Ayon pa kay Lrya, ay kung sino pa minsan ang mga taong nangangailangan ng tulong ay sila pa mismo ang walang pag aalinlangang tumulong sa iba.