Karaniwan na pinagiisipang mabuti kung ano ang dapat ipangalan sa magiging anak. Kung minsan ay pinagsasama ng mag asawa ang kanilan...
Karaniwan na pinagiisipang mabuti kung ano ang dapat ipangalan sa magiging anak. Kung minsan ay pinagsasama ng mag asawa ang kanilang pangalan upang makabuo ng panibagong pangalan o di kaya ay isinusunod sa mga paboritong artista, lugar, pagkain at marami pang iba.
At ngayon ay, kung mayroong "Baby Consonant", syempre mayroon ding tinatawag na "Baby Vowel"!. Kinagiliwan ng maraming netizens ang batang si Aeiou Viloria dahil sa kanyang kakaibang pangalan.
Ayon sa ina ng bata na si Jessica Viloria ay "Babalik ka pa po kasi sa office ng NBI 'kapag marami ka pa pong kapangalan. Siyempre sayang 'yong time tapos yung pamasahe". Kaya nakaisip sila ng unique na pangalan.
Nauna ng sinabi ng tatay ng batang si Aeiou na si Dominick Viloria, ay tinuruan na umano nila ang kanilang anak ng tamang asal, upang kung sakali na man na asarin sya sa kanyang pangalan. "Sabi nalang po namin sa kanya 'pag ganon mangyayari, at unique pangalan nya, walang katulad," dagdag pa nya.