Sa ngayong mayroong napakaraming krisis, ang kinakaharap ng Pilipinas , isa rin sa mga krisis na ito ay ang kakulangan ng makakain s...
Sa ngayong mayroong napakaraming krisis, ang kinakaharap ng Pilipinas , isa rin sa mga krisis na ito ay ang kakulangan ng makakain sa pang araw araw ng isang pamilyang kapos palad. Para sa ilan nating kababayang kapos, ay handa silang galugarin at suyurin ang lahat makahanap lamang ng ipanlalaman sa kanilang kumakalam na sikmura.
Isa dito si Shiela Cesista, isang 30-anyos na ina at syang mag isang bumu buhay sa kanyang tatlong mga anak. Nagtatrabaho si Shiela sa isang junk shop sa Quezon, City. Pinag hihiwalay hiwalan ni Shiela ang mga pwede pang i recycle na kalakal, gayan ng plastic, bote, at karton sa mga nakatambak na basurang itina tapon sa mga tambakan.
Alam ni Shiela ang mga peligrong posible nyang makuha sa ganitong uri ng trabaho. Ngunit hindi ito alintana ng inang si Shiela, dahil ito lamang daw ang kanyang magagawa upang mabuhay ang kanyang mga anak, lalo nat sya lamang ang bumubuhay sa mga ito.