Halos magunaw ang mundo ng isang ina na si Nerlin Grace Sibayan, ng umuwi kasi sya galing sa kanyang trabaho ay isa ng malamig na ba...
Halos magunaw ang mundo ng isang ina na si Nerlin Grace Sibayan, ng umuwi kasi sya galing sa kanyang trabaho ay isa ng malamig na bangkay si Jay, 2- taong gulang at bunso sa kanyang mga anak. Nalunod kasi ang bata sa pinagliliguang balde sa kanilang bakuran sa baranggay Central Taragona, Davao Oriental. Noong martes ng umaga sa pangangalaga ng kanyang lola na si Nerlita.
Ayon sa lola na syang kasama ni Jay nung mga oras na iyon, ay naglalaba umano sya noon habang nalilibang naman si Jay sa kanyang pagligo. Pagkatapos naman nyang maglaba ay nagsaing sya ng kanin saglet para sa kanilang umagahan, at pagbalik ay laking gulat ni lola na hindi na humihinga ang kanyang apo na nasa timba pa noon.

Nang makita ni lola ang sitwasyon ng kanyang apo, ay dali-dali umano nya itong binuhat mula sa kinalalagyan, ngunit tuluyan na talaga itong nawalan ng malay. Ayon naman sa ina ng bata ay, palagi na nila itong iniiwan mag isa sa tuwing naliligo ito. Kaya hindi sila makapanilawa sa nangyari sa bata.
Sa kabila ng pagluluksa ni Nerlin Grace dahil sa kanyang nawalang anak, ay nag bigay sya ng paalala sa mga ina na huwag daw nilang pababayaang mag isa ang kanilang mga anak. Lagi rin daw nilang bantayan at tingnan kung ano ang ginagawa nila para maiwasan ang mga insidente.