Ang layunin ng programa ni Raffy Tulfo ay para makatulong sa mga mahihirap o kapos sa buhay, may mga karamdaman at sa mga taong naaabusad...
Ang layunin ng programa ni Raffy Tulfo ay para makatulong sa mga mahihirap o kapos sa buhay, may mga karamdaman at sa mga taong naaabusado.
Uminit naman ang ulo ni Raffy Tulfo dahil sa ginawa ng isang lalaki na diumano'y mayabang na residente ng village kung saan dinibdiban niya ang Security Guard na humingi ng tulong kay raffy Tulfo.
Kinilala ang lalaki na nanakit na si Tomas Alberto Aguirre at ang nagreklamo at sinaktan ay si SG Rafael Tuan. Ayon kay SG Tuan, nangyari ito ng sitahin niya si Aguirre dahil wala umano itong sticker na kung saan pinanukala ng namumuno sa residente na kailangan ng lahat ng sasakyan na pumapasok ay may sticker.
Ngunit, makikita sa kuha ng CCTV footage na bumaba siya ng kanyang sasakyan at saka dinibdiban si SG Tuan. Kaya naman, nag-init ang ulo ni Raffy Tulfo dahil sa ginawang 'kayabangan' ni Aguirre.
Gusto naman ni Raffy Tulfo na bigyan ng leksyon si Aguirre kung saan kailangang kumpiskahin ang driver's license niya at i-plug down ang sasakyan na gamit ni Aguirre.
Ayon kay Raffy Tulfo, tutulungan niya si SG Tuan na magkaroon ng karampatang parusa ang nang-Ã¥buso sa kanya. Huwag umano siyang magpaareglo kay Aguirre.
Sinabi din na dati pang ginagawa ni Aguirre ang pang-aåbuso sa mga Security Guards. Muntik na din umanong masagåsaan ang Security Guard kaya naman gusto din na kasuhan ni Raffy Tulfo si Aguirre.
Ayon kay Edison "Bong" Nebrija, Head, Edsa Special Traffic & Transport Zone, MMDA ay dapat ideretso na ang reklamo sa mga kapulisan. Dalawa umano ang maaaring isampang kas0 laban kay Aguirre, ayon kay Atty. Gareth Tungol.
Pinagbigay alam naman ni Raffy Tulfo ang nangyari sa Security Guard sa LTO, MMDA at HPG.
