Sa programa ng Raffy Tulfo in Acti0n ay maraming natutulungan si Idol Raffy na mga kababayang humihingi ng tulong tulad na lamang ng 48 na S...
Ayon sa isang Security Guard na nagsumbong kay Raffy Tulfo, inabandona sila ng agency sa barracks na may maruming palikuran, walang maayos na tulugan at hindi sila binibigyan ng pagkain. Hindi umano sila pinapansin kapag sila ay tumatawag sa agency na nasabing "Magic Knight".
Lumapit ang 48 Security Guards ng tulong dahil sa ginawa sa kanila ng kanilang agency. Mag-aabot ng tulong si Raffy Tulfo sa tulong mng kanyang mga staffs. Magpapadala ng pagkain at pera na kakailanganin ng mga security guards.
Galit na sinabihan na "Sinungaling" ang Branch Manager ng Magic Knight Agency na si Reynaldo Corpuz. Ayon kay Raffy Tulfo, sana ay sila ang tumawag sa mga security guards at tanungin kung ano ang kanilang kalagayan hindi 'yong sila ang maghihintay ng tawag.
"Huwag ka ng magsinungaling Sir, mamaya papasakan ko ng sili 'yang bibig mo." Sabi pa ni Raffy Tulfo kay Corpuz dahil sa pagsisinungaling umano nito.
Nagbabala pa si Raffy Tulfo na may kalalagyan ang nasabing agency kapag nakitaang nadehado ang mga security guards. Hindi umano tatawag ang mga securi guards kung walang problema.
May ilang netizens naman ang nagkomento na sumasaludo kay Raffy Tulfo sa kanyang pagtulong sa mga nangangailangan.
"Buti na lang may Idol Raffy na matatakbuhan."
"Ang pambansang hero ng mga mahihirap at naaapi."