Kasabay ng mabilis na paglipas ng panahon ay mabilis na din ang mga naiimbentong teknolohiya. Mas napapadali na ang mga gawain ngayon dahil ...
Kasabay ng mabilis na paglipas ng panahon ay mabilis na din ang mga naiimbentong teknolohiya. Mas napapadali na ang mga gawain ngayon dahil kung dati ay manu-manong ginagawa ang bagay, ngayon ay makina na ang nagpapagana sa mga ito.
Marami na din ang mga teknolohiya na lumalabas ngayon gaya ng mga cellphone, gadgets, laptop at iba pa na maaaring makipag-usap o makipag-komunikasyon sa mga mahal natin sa buhay kahit na malayo sila.
Mayroon ding naimbento na HighTech na camera kung saan mapapanood mo lahat ng kilos o pangyayari sa lugar na nahahagip ng camera ng camera. Ang CCTV ang nagsisilbing mata natin sa mga nangyayari sa lugar.
Gaya na lamang ang nangyari sa isang parmasya na ito, nilooban ng mga magnanåkaw at mapapanood din kung paano tinanggihan ng magnanakåw ang binibigay na pera ng matanda at hinalikan pa niya ito sa noon para kumalma.
"No ma'am, you can be quiet, I don't want your money." ani ng magnanakåw sa matanda.
Mapapanood sa CCTV Footage na ito na habang ninanakåwan ng isa ang bantay ng parmasya ay tila pinapakalma ng isang ito ang matanda.
Kuha ang video na ito sa Good Times. Naganap ang insidenteng ito noong Oktubre 15, martes ng Hapon sa Amarante. Kinilala ang may-ari ng parmasya ay si Samuel Almeida.
$240 ang buong halaga na nakuha ng dalawang magnanakåw. Mabilis naman kumalat sa Social Media ang nasabing video. Hanggang ngayon ay hindi pa din nadadakip ang dalawang salarin. Patuloy naman ang paghahanap ng kapulisan sa dalawang ito.