Ibinahagi ni Carla Abellana sa kanyang instagram ang larawan ng kanyang kamay na suot ang proposal ring na binigya sa kanya ni Tom Rodri...
Ibinahagi ni Carla Abellana sa kanyang instagram ang larawan ng kanyang kamay na suot ang proposal ring na binigya sa kanya ni Tom Rodriguez.


Matatandaan na matagal na din na magkasintahan ang dalawang artista at may ilan na din silang proyekto na naging magkatambal silang dalawa. Kasama ang kanilang pamilya, hiningi ni Tom ang kamay ni Carla habang nakaluhod siya at binigay niya ang singsing kay Carla.

"A million times, yes!" Ayon sa caption sa instagram ni Carla. taong 2014 pa noong magsimula umano lumabas ang dalawa. Noong Agost 2020 naman sinabi ni Tom sa isang interview na pinaplano na niyang pakasalan ang kanyang girlfriend na si Carla.

"Ako, my only dream is to be the one next to her. That's my only requirement. Siyempre, I want it to be special for her." Sinabi ito ni Tom noong Agosto 4, 2020.