May ilan tayong mga kaibigan na dadalhin tayo sa kabutihan, may ilan naman na pilit tayong hinihila pababa at pilit na dadalhin sa masama. ...
May ilan tayong mga kaibigan na dadalhin tayo sa kabutihan, may ilan naman na pilit tayong hinihila pababa at pilit na dadalhin sa masama.


Maswerte ka kung magkaroon ka ng kaibigan na laging nandiyan at hindi ka iiwan. Gaya na lamang ng tatlong magkakaibigan na ito, magkakasabay nilang tinupad ang kanilang pangarap na maging isang ganap na doktor.

Mula umpisa hanggang dulo ay magkakasama pa din sila. Mula sa ulat ng GMA News, mula highscool ay magkakasama na sina Joieanne Marie Macarubho, Marie Clare Perez at Jovine Martin. Sa loob ng siyam na tao ay mas lalong tumibay ang kanilang pagkakakibigan kaya naman sabay-sabay nilang nakamit ang kanilang pangarap.
Ayon sa tatlong magkakaibigan ay marami na silang pinagdaanan, umiiyak sila halos gabi-gabi, pagod at puyat sila noon lalo na nang panahon na sila ay nasa clerkship. Ngunit ang mga pagsubok na dumaan sa kanila ay nalampasan nila.

Marami naman sa mga netizens ang humanga sa kanilang "Friendship Goals" dahil magkakasabay nilang natapos ang pag-aaral at isa na islang ganap na doktor.
Talaga namang walang imposible basta magkakasama at mayroon matibay na pagsasamahan. Ang totoong kaibigan ay hihilahin ka pataas at hindi pababa. Lagi silang nakasuporta at hindi naninira. 'Yan ang pagkakaibigan, hindi man magkakadugo ay magkakapatid naman ang turingan sa isa't-isa.