Sa panahon ngayon kanya-kanya na ang tao kung paano makakaraos sa pang araw-araw. Kung paano kikita at paano makakakain ng tatlong beses huw...
Sa panahon ngayon kanya-kanya na ang tao kung paano makakaraos sa pang araw-araw. Kung paano kikita at paano makakakain ng tatlong beses huwag lamang kumalam ang sikmura.
Kung ang karamihan sa atin ay maswerte sa buhay at may maayos at malaking kita, marami pa din sa mga kababayan natin ang naghihirap at pinpilit na makabangon.

Gaya ni Nanay Liza, kahit na may edad na ay patuloy pa din siya sa pagtitinda ng mga kakanin. Ngunit, may mga tao pa din na mapanglamang sa kapwa at gagawin ang lahat, kahit na sa maling paraan, mabuhay lamang.
Sila ang mga taong hindi marunong maawa sa kapwa. Mali ang pamamaraan nila para mabuhay din sa mundong ibabaw. Wala na silang pakialam kung makaapak man sila ng kapwa.
Ibinahagi naman ng concerned netizen na si Mylyn Tupas ang litrato at ang nangyari kay Nanay Liza. ibinahagi niya ito noong Marso 18.
