May mga ilan na hindi maayos ang pag-develop ng kanila katawan o itsura. Isa na rin ang dalawang bata na ito na magkadikit ang ulo o tinata...
May mga ilan na hindi maayos ang pag-develop ng kanila katawan o itsura. Isa na rin ang dalawang bata na ito na magkadikit ang ulo o tinatawag na Conjoined Twins. Sila ay kambal na magkadikit ang bungo.
"Gusto po namin magkahiwalay dahil.. para po makakilos ng maayos at para din po makagawa ng mga hindi po namin nagagawa."
Bagamat nakakaawa ang kanilang kalagayan dahil hindi nila nagagawa ang mga nagagawa ng iba, may mga kakayahan silang gawin ang nagagawa ng iba gaya ng pagluluto, pagligo at pagsasayaw o ang uso sa Social Media na TikTok.
Mula sa Youtube channel ng Truly, pinalabas ang kanilang kwento sa pamagat na Born Different. Nais ng dalawa na maghiwalay ngunit wala silang sapat na pera para maisagawa ang 0perasyon. Ayon pa sa doktor, aabutin lamang ng 10 taon ang dalawang bata dahil hindi na kakayanin ng kanilang katawan dahil magkadikit ang kanilang bungo.
Mahirap man ang kanilang sitwasyon, gumagawa sila ng mga bagay na kaya nilang gawin. nais ng kambal na sumikat at makilala sa Social Media kaya naman naisip nilang mag-upload ng videos gaya ng TikTok at Youtube upang makalikom ng pera upang maisagawa ang 0perasyon na pinapangarap nila.