Isang taon na ang nakakalipas nang pumasok ang v1rus na tinatawag ng C0VID19. Nagpatupad ng malawakang lockdown ang pamahalaan upang hindi n...
Isang taon na ang nakakalipas nang pumasok ang v1rus na tinatawag ng C0VID19. Nagpatupad ng malawakang lockdown ang pamahalaan upang hindi na kumalat sa lahat ang pandemyang ito. Nagpaabot ang pamahalaan ng mga pagkain at ayuda sa mga tao lalo na sa mga nangangailan.
Umaapaw naman ang kaligayan ng isang Lolo sa San Pedro Laguna matapos abutan di-umano ng DSWD ng ayuda na nagkakahalagang P6,500. Ngunit matapos makuhanan ng litrato ang Lolo habang hawak ang pera ay binawi din umano ito.
Mula sa isang post ng concerned netizen na si Techie M. Pura, binigyan umano ng DSWD ng ayuda ang Lolo na ito ngunit binawi din agad matapos makuhanan ng litrato. Ayon pa kay Techie, i-monitor daw ang mga tauhan ng DSWD sa San Pedro Laguna.
Labis-labis naman ang lungkot at pagkadismaya ng Lolo dahil tanging ayuda lamang ang inaasahan nito upang makaraos sa buhay. Ang P6,500 ay mahalaga na para kay Lolo, malaki na ang halagang ito upang makabili siya ng pangkain o panggamot.