Mahilig ka bang umorder online tulad ng Lazada o Shopee? Isa ka ba sa nag-aabang ng mga sale at mahilig ka ba mag add-to-card? Maging alisto...
Mahilig ka bang umorder online tulad ng Lazada o Shopee? Isa ka ba sa nag-aabang ng mga sale at mahilig ka ba mag add-to-card?
Maging alisto sa mga mapanlinlang na tao gaya na lamang ng nasa larawan. Isang facebook post ang nag-viral matapos niyang ibahagi ang mga larawan ng isang hindi pa nakikilalang lalaki na nagtangkang magdeliver ng item/s sa kanilang bahay.
Ayon sa netizen na nagpost, dumating ang delivery man bandang 2:30 ng hapon at sakto siya ang nagbukas ng gate. Nakabalot ng shopee plastic wrap ang produktong nagkakahalaga ng P3,499 na may nakalagay na pangalan niya at ang kanilang address. Walang contact number, walang shopee barcode sticker kundi pangalan at hindi kumpletong address lamang ang mayroon ang dineliver.
Kaya naman, naalarma na siya dahil wala siyang naaalala na P3,499 ang halaga ng kanyang inorder. Dali-dali niyang sinaradi ang pinto at binanggit ito sa kanyang ina at kuya. Sinabi na lamang niya sa delivery man na kakanselahin na lamang nito ang kanyang order.
Nagpanggap naman ang delivery man na kukuhanan na lamang siya ng litrato na katunayan na siya ay nagkansela ng order dahil ito naman umano ang protocol kaya naman nagkaroon ang netizen ng pagkakataon upang makuhanan din siya ng larawan.
Mga ilang segundo nang umalis ang delivery man, sinundan nila ito at nakitang walang dalang motor o ano. Tila papunta ang delivery man sa may bodega kaya sinundan nila ito at natagpuang may sumundo sa kanyang nakamotor.
Nagbigay ng babala ang netizens na maging alisto sa mga ganitong klase ng m0dus. Kung hindi daw siya ang nakatanggap ng deliver ay malamang nascåm ng sila ng P3,499.
Basahin ang buong detalye dito: