Ang mga aso ay nagsisilbing bantay sa bahay, best friend at kadalasan ay nagiging bahagi na ng pamilya. Lubhang nakakalungkot isipin na may...
Ang mga aso ay nagsisilbing bantay sa bahay, best friend at kadalasan ay nagiging bahagi na ng pamilya. Lubhang nakakalungkot isipin na may mga aso na walang tirahan at walang amo na magsisilbing tagapag-alaga kaya naman ay kadalasang dinadala sila sa mga dog pound na magsisilbi nilang tirahan.
Nakakaawa ang sitwasyon ng mga so na ito, nangangayayat dahil walang makain at nagkakasakit na din. Nananawagan naman ang Hope4Paws Dipolog, isang Animal Welfare Group sa lugar ng Dipolog City sa Zamboanga Del Norte na ampunin at kupkupin ang mga aso sa dog pound na pinamamahalaan ng Dipolog LGU o kaya naman kahit na donasyon na lamang para sa pang gamot at pagkain ng mga nakakaawang aso na ito. Marami sa mga aso dito ay lubhang nangangayayat at ang iba ang nagkakasakit na din sa balat. 'Yung iba naman ay naghihingalo na.
Setyembre taong 2020 nang mag-simula silang tumulong sa city dog pound na alagaan anng mga aso dahil may sapat silang pang donasyon ngunit nang dumating ang taong 2021 ay hindi na raw sapat ang mga donasyon kaya hindi na nila maipagpatuloy ang pagtulong sa mga aso. Laking gulat na lamang nila noong Marso pagbalik nila ay ganito na ang kinahinatnan ng mga aso.